By Rhein Digdigan
Date: August 25, 2023
Ika-25 ng Agosto taong 2023, isinagawa ang Banal na Misa bilang panimula ng selebrasyon ng Buwan ng Wika na pinangunahan ni Rev. Fr. Dionisio Vargas Palingping.
Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng pagmamahal, katapatan, at kabutihan sa harap ng mga pagsubok. Ayon kay Rev. Fr. Palingping: “Ang tunay na pagmamahal ay nagmumula sa tapat na puso." Ipinakita niyang halimbawa si Ruth at Naomi mula sa Bibliya.
Ang mensahe ng pari ay naglalayong iparating ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa ating kapwa sa lahat ng pagkakataon. Ito ay isang gawain na nagbibigay-kasiyahan sa Diyos at nagdadala ng Kanyang mga pagpapala sa atin. Ipinapaabot ng pari ang hamon sa mga estudyante na mahalin ang bawat isa upang makamtan ang tunay na kapayapaan.
Saint Thomas
Becket Academy
Administration Office
+63 046 4191387
Accounting Office:
+63 046 866 6676
Business Mobile phone:
+63 917 882 6330
Email:
‘Yan ang galing ng Tomasino Beketino
For the greater glory of God
tomasinobeketino.org © All rights reserved 2021