by Michaela Matic
Date: August 25, 2023
Noong Ika-25 ng Agosto, taong 2023, ang Saint Thomas Becket Academy ay ipinagdiwang ang Buwan ng Wika bilang pagpupugay sa ating Wikang Pambansa. Ito ay ginanap sa 'Covered Court' ng eskwelahan at nagsimula noong umaga, 8:00 AM.
Sinimulan ang pagdiriwang sa isang banal na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Dionisio Vargas Palingping na nagbigay ng maraming aral sa mga estudyante. Sa kabilang banda, ipinamalas ng mga Thomasians ang kanilang talino at talento sa iba't-ibang aktibidad katulad ng Tagisan ng Talino, BigSayWit, at mga Katutubong sayaw.
Sa pagsasagawa ng ganitong selebrasyon, nabigyan ng oportunidad ang mga estudyante na ipagmalaki at ipakita ang kanilang pagmamahal sa Wika, sa paraan ng kanilang husay at talento sa iba't-ibang larangan. Gaya nga ng sabi ni Gng. Evelyn Penus, ang Punong Guro, "Ang Buwan ng Wika ay nagbibigay sa atin ng oportunidad upang mahalin pa lalo ang ating sariling wika."
Saint Thomas
Becket Academy
Administration Office
+63 046 4191387
Accounting Office:
+63 046 866 6676
Business Mobile phone:
+63 917 882 6330
Email:
‘Yan ang galing ng Tomasino Beketino
For the greater glory of God
tomasinobeketino.org © All rights reserved 2021